5.29.2009

Kwentong Jelly Beans
hango sa kwentong jelly beans ni noringai ng peyups.com
http://www.peyups.com/article.khtml?sid=2383


Lately, lagi kong naaalala yung kwento ni Noringai sa peyups. Favorite ko yung Kwentong Jelly Beans niya. Dati naa-appreciate ko lang dahil sa galing ng pagkakasulat pero nitong mga huling linggo na-realize ko na tumutugma sa istorya ng buhay ko ngayon ang kwento.

Ano nga ba ang meron sa Chocolate Pudding flavor na jelly bean? Ang dami kong natikman na ibang flavor. Na-try ko rin yung ibang colors. Masasarap din naman. Kaso ang Chocolate Pudding pa rin ang lagi kong hinahanap. Kung tutuusin, ang dami kong napalampas na masasarap na beans, di ko na tinandaan ang mga flavors kasi nga ang nasa isip ko lagi ay ikaw, ooops, yung Chocolate Pudding flavor pala. Ang hirap pala ng ganon, alam kong hindi tama na palampasin ko ang ibang bagay para lang sa isa, pero anong magagawa ko kung sa tuwina yun at yun pa rin ang gusto ko.

Bakit nga ba ganon? Kung pwede lang i-reformat ang buhay. Kung sana napro-program. Kaso hindi.

No comments:

Post a Comment

Any problem?